Isa tayong kanta na napakanda sa simula
Kasama na ang mga salita na binabanggit sa bawat nota
Isa tayong awitin na nakakahila ng damdamin
Para ito’y maging mas malalim sa panahong madilim
Isa tayong musika na piniling ilikha
Ikaw ang taga sulat at ako ang taga ulat
Isa tayong kanta na masaya sa umpisa
Ngunit noong nasa gitna ay nagsitaasan na ang nota
Sa sobrang taas ay hindi ko na maabot
Pilit mang abutin ngunit ayaw pa rin
Isa tayong kanta na nagsimula sa umpisa
Ngunit hindi natapos dahil ang hininga ay kinapos
Awitin man, kanta o musika
Isa tayo sa kanila
Na hindi nabuo
Dahil ika’y wala sa tono
At ako ay sintunado