Damdaming nasaktan
Pusong iniwan
Pagkakataong tinakpan
Pag-ibig na winakasan
Akala ko ay kaya ngunit hindi pala
Tama nga sila
Wala akong mapapala
Kaya ngayo’y puso ko ay aking pinapalaya
Pero kahit ganon ay minahal padin kita
Totoo at walang duda
Buhay ko’y naging parte ka
At iyon ay di na mabubura
Pero sa kasalukuyan
Sarili ay mas papahalagahan
Sa pamamagitan ng pagtanggap
Sa samahang natuklap
No comments:
Post a Comment