Friday, March 9, 2018

Ala una

Alauna na pero iniisip padin kita 

Alam kong hindi ko dapat gawin dahil ika’y wala na

Ngunit di ko mapigilan ang aking sarili na hanapin ka

 

Alauna na pero patuloy pading pumapatak ang mga luha

Mga luhang tumutulo sa tuwing iniisip ko ang iyong mga ginawa

Kung pwede lang ibalik ang oras, ibabalik ko ito sa simula

Sa simula kung saan tayo ay masaya pa

 

Alauna ang pangalan ng tula na para sayo’y ginawa 

Dahil ako’y natatakot magsalita 

Kaya idadaan ko nalang sa tula 

 

Alauna na pero iniisip padin kita, sinta

No comments:

Post a Comment